And im not going to school. I dont know. I just dont feel like it.
Im stuck on how i met your mother.
I want coffee.
More of I WANT TO TALK ABOUT SOMETHING OVER COFFEE.
I see your face and I remember too much.
Writing was always there for me. Lagi. Pag gusto kong maglabas ng kung ano, sulat lang. Sulat. Kasi lumuluwag pakiramdam ko pag nagsusulat.
GUSTO KONG SUMULAT NGAYON.
For almost three years, meron akong pangarap sana. hindi naman tlaga pangarap, pero alam mo yun, yung planong matagal mo ng iniisip. Kumbaga sa begin with the end in mind, yun yung end.
naalala ko nun, sa unang taon na pinangarap ko yun, lagi akong excited, sobrang positive ko. tipong bawat maliit na bagay natutuwa ako. Bakit? Kasi feeling ko magkakatotoo.. feeling ko ay kaya to! Konting trabaho lang. May makita man akong bagay na magdedeviate sa paghintay ko dun sa pangarap ko na yun, hindi ko pinapansin. Kasi alam ko, KAYA TO. yun yung naiisip ko nun. Naniniwala ako na kaya to.
Hmmm. ano pa ba. Dun na lang tayo sa pangalawang taon, yung pangalawang taon, medyo dumadami na yung doubts ko. Parang nawawalan na din ako ng tiwala sa pangarap ko. Pero minsan din kasi lumalaban yung pangarap ko, may nakikita din akong maliliit na effort na gusto nyang magkatotoo. Pero nakalimutan kong maliit yon. Bawat maliit na bagay tinitignan ko, iniisip, iniintindi, nilalagyan ng kahulugan. Minsan aminado akong wala naman talaga, pero parang in a way niloloko ko na din sarili ko, ginagawan ko ng paraan para magkaron. Gusto ko kasi. Kung kilala nyo lang ako, pag gusto ko nilalaban ko tlga. GINGAWAN KO NG PARAAN.
Ayun na, Sa third year na tayo! yehey! Kumbaga sa depreciation double declining balance na yung pangarap ko. Alam ko. Alam ko nang mauubos na to e. Pero alam mo kung anong iniisip ko nun? Iniisip ko baka may twist! pwede parin kasi. Naniniwala parin ako. Halos isampal na sa muka kong hindi na talga, pero hindi, ayoko talgang isuko. Kasi naisip ko na to e, Maganda to. Masaya. Gusto ko to.
Alam mo yung plano ko? Natupad sya! yehey! masaya diba? nangyari yung mga dati kong iniimagine lang na scenario, NAGBAGO yung inaakala kong imposible, nagiba ang takbo. Yung pinangarap kong movie story line? oo nakagkatotoo din. Yung mga character? Oo natupad din. Yung setting oo din, yun na yun yung inisip ko three years ago. ETONG ETO. SAKTONG SAKTO.
Yun nga lang, natupad yung pangarap ko.. pero sa ibang tao. Lahat perpekto, lahat kumpleto, lahat sakto. pero hindi sakin natupad yung pangarap ko.
Salamat na din siguro atleast natupad yung pangarap ko, hindi nga lang sakin.
Naniniwala pa ba ko? Sa totoo lang? oo parin e. Kasi nga naisip ko na to matagal na. Matigas nga ang ulo ko.
Ilalaban ko pa ba? Yun lang. Hindi na ata sir. parang GG na din e. Saka tapos na yung production kumbaga credits na. nangyari na yung movie ko, bayad na lahat ng scharacter nakaset up na lahat ng eksena. wala ng kulang. mababawi ko pa ba yun? sunk cost na ata hehe…
Sa tatlong taon, ngayon lang ako umupo para isummarize man lang at gawan ng magandang conclusion etong pangarap ko na to. Feeling ko wala naman akong naoverlook sa planning:
character. setting. plot. music. credits. scenes.
Ang nakalimutan ko lang ata e yung sarili ko. Nakalimutan ko atang isali yung sarili ko. Masyado akong na-adik sa pag gawa ng storya. Hindi ko naisulat na Kasali ako.
hindi ko nasabi na gusto kong ako yung kasali.
Ang naipaglaban ko lang pala ay yung storya ko, hindi yung papel ko.
Wala nanaman akong magagawa din. kundi bigyan sila ng copyright. Ayoko naman maging kontrabidang direktor. Saka malay natin? Malay mo naisip na din nila to. Hindi lang ako.
Pano ba yan credits na… babay ^^
PS. Kung nababasa mo to, ibig sabihin kailangan mong mabasa to. Wag kang mahiya, paki kausap ako. Kasi ikaw na nakabasa nito, kailangan ko. Kausapin moko, patulong. Patulong naman. :) :)
2/25/12
3:26PM
Wala lang. Feb 14 bukas share ko lang. hahaha
Ok lang sana kung normal. pero hindi eh</3
PS. Nakikibasa ka lang ng blog wag kang epal dyan.
Sa araw na to sobrang dami ko talagang pinagiisipan.
una, tutuloy ba ako o hindi.
Ayusin nga natin.
Tutuloy:
Mahirap iwanan ang mga kasama, maiiwan ako magisa, sayang ang achievement sa resume.
Hindi:
Makakatulog ng maaga, makakapagaral ng maayos sa quizzes, hindi masestress.
Tutuloy ba o hindi?
#2
Tutuloy ba o hindi?
Tutuloy:
Maganda ang ending kung mangyayari. Masaya ako dun e. Pero pag hindi, wasak ako.
Hindi:
Binubura ko yung chansa ko. Hindi ako magiging masaya ngayon, pero sigurado sa future oo.
Pero pano kung di ko pala choice to lahat?
People usually tell us that we should NEVER let anyone make us feel that we don’t deserve what we want.
Well the case is sometimes they don’t deliberately make us feel that, but their presence make us realize that what we want is right before our eyes and we cant have it.
cant cant cant cant.
Not that we cant really have it.
We can, but it seems like we are not meant to.
Because we know in ourselves what is best.
And that best, sometimes, just sometimes, is not us.
It really isnt anyone’s fault at all.
Its just. not.us, incidentally.
But here I am, trying to prove myself that my life is mine.
that my time is mine.
that you are not mine.
NP: I am barely breathing and I cant find the air.
PS. Joke lang to
Photo reblogged from University of Santo Tomas with 121 notes
Unending beauty and grace.
The UST Main Building and Miguel de Benavides this Christmas Season 2011. Standing strong for centuries together.
Source: rhizeeeeel
Page 1 of 2